Performance Task in EPP MOdule 1

 PANGANGALAGA SA SARILING KASUOTAN

Panuto:  Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.


1.    Ano ang nararapat gawin kung ang damit ay nangangamoy?

a.  ilagay sa labahan               

b. pahangina

c. plantsahin                           

d. tiklupin at ilagay sa cabinet

2.    Ano ang dapat gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme?

a.  ayusin ang pleats ng palda      

b. basta nalang umupo

c.  ipagpag muna ang palda             

d. ibuka ang palda


3.    Alin sa mga sumusunod ang gagawin kung may sira o butas ang mga damit?

a.  ihanger ang damit sa cabinet

b.  sulsihan o kumpunihin ang mga butas ng damit

c.  isuot at gamitin ang mga damit

d.  ipamigay ang mga damit sa kapitbahay


4.    Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng pangangalaga sa damit maliban      sa:

a.  ihanger ang mga malinis na damit panlakad

b.  punasan ang mga uupuang lugar bago umupo

c.  pabayaan ang mantsa na dumikit sa damit

d.  pahanginan ang mga damit na basa ng pawis


5.    Bakit kailangang pangalagaan ang ating kasuotan?

a.  upang mapakinabangan ito sa loob ng mahabang panahon

b.  upang ikaw ay kaaya-ayang tingnan

c.  upang mapanatili ang kagandahan ng kasuotan

d.  lahat ay tama



Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang salita upang mabuo ang tamang kaisipan sa bawat pangungusap. Gawin ito sa iyong kwaderno. 

     nilabhan                          

pagtatagpi

     pag-aalis ng mantsa              tinutupi             

pinaplantsa                 


6.    Ang paggamit ng sabon at tubig ay isang paraan sa __________ ng putik sa damit.


7.    Kaagad ____________ ni Angela ang kanyang kasuotan ng makita niya na may mantsa ito mula sa putik.


8.    Ang mga damit na gusot-gusot ay dapat _____________ para kaaya-ayang tingnan.


9.    Ang mga damit na malilinis at maaayos ay _______________ at inilalagay sa loob ng cabinet o aparador.


10. Ang damit ay minsan nabubutas dahil sa sunog ng sigarilyo o nasabit sa pako kaya kinukumpuni sa pamamagitan ng ________________.

Panuto: Piliin sa  HANAY B ang paraang tinutukoy sa  HANAY A  upang mapanatiling malinis at maayos ang damit na binabanggit. Isulat na lamang ang titik ng tamang sagot.

    Hanay A                                                                            Hanay B

_______11. Ito ay isinasagawa kung may sira o                                a. pagtutupi

                    punit ang damit.

_______12. Ito ang paraan ng pagtanggal ng dumi,                         b. paglalaba

                    pawis at alikabok sa damit.

_______13. Isinasagawa ito sa mga damit na lukot-                        c. pamamalantsa

                    lukot matapos labhan.

_______14. Ginagawa ito sa mga damit na may                               d. pagsusulsi

                     nakakapit na mantsa.

_______15. Ito ang paraan nag pag-aayos ng mga                          e. Pag-aalis ng mantsa
                 damit sa  loob ng cabinet o aparador.

 

 

 

 Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at isulat ang TAMA kung ito ay nagpapahiwatig ng tamang pangangalaga sa kasuotan at MALI kung hindi.


__________ 16. Ang paglalagay ng sapin sa uupuang lugar ay mabuti upang mapangalagaan ang kasuotan.

__________ 17. Hinahayaan ang mga mantsa, tastas, sira o punit ng damit.

__________ 18. Ihalo ang lahat ng mga uri ng damit, damit-pambahay at panlakad sa iisang lalagyan.

__________ 19. Tinatanggal kaagad ang mantsa ng damit habang sariwa pa bago labhan. 

__________ 20. Plantsahin ang mga damit na malinis na ngunit gusot na

 

Comments

Popular posts from this blog

Module 1: Pangangalaga sa Sariling Kasuotan